Monday, March 28, 2005
Naramdaman nyo na ba yung isang araw, bigla ka nalang naging miserable? Hindi mo alam kung anong gagawin mo, hindi mo alam kung kanino ka tatakbo. Gusto mong may makausap, pero hindi mo alam kung sino ang pwede mong takbuhan na makakaintindi sayo. Minsan nagsasabi ka ng sama ng loob, hindi sila nakikinig ng buo sa yo, dahil busy sila, o hindi interesado, hindi naiintindihan kung bakit ka nagkakaganyan, minsan iisipan ka pa na OA. Minsan, ikaw na din mismo ang di lumalapit, dahil nahihiya kang sabihin ang totoong problema mo, o kaya alam mong kahit pilit ka nilang intindihin, hindi ka pa din nila maiintindihan.
Alam mong sa panahong ganito, ang natitira nalang na takbuhan ay ang Diyos. Pero hirap ka ding maghanap ng lugar para maka-iyak sa Kanya. Ayaw mong ipakita sa ibang tao kung anong nararamdaman mo, ayaw mong makita ka ng mga kapamilya mong umiiyak ka, dahil pag nalaman nila kung bakit ka umiiyak, alam mong maghihirap din ang kalooban nila. Wala kang makitang lugar para mapag-isa. Gusto mong sumigaw, humagulgol, pero hindi mo magawa. Ang hirap magpigil ng iyak db?
Kailangan kong umalis. Kailangan kong mapag-isa.
Kung may bumasa man nito, marahil iisipin nyong OA ako. Palagay ko naman, kayo din ang magpaka-totoo, alisin nyo lahat ng pagkukunwari, at pagta-tapang-tapangan nyo, aminin nyo ng buong katapatan ang totoo nyong saloobin, ganito rin ang kalalabasan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment